Monday, May 31, 2010

Upang hindi natin malimutan ang Unang Utos...

Kung hindi mo na mapigilan ang pagsabog ng dibdib mo, gawin mo lang ang gusto mong gawin. Ipadama mo sa kanya ang nararamdaman mo. Landiin mo siya. Lumabas kayo. Bolahin mo. Bigyan mo ng lata ng century tuna kung trip mo at sabihin mo sa kanyang “because you’re good for my heart.” Magkape kayo. Yayain mong magsine. Tapos, bigla mo na lang halikan. Pag nagtanong kung bakit mo ginawa ‘yun, sabihin mo, “sorry, lasing lang sa kagandahan mo.” Pero kahit ano’ng mangyari, huwag na huwag kang aamin.

No comments:

Post a Comment