Saturday, April 24, 2010

103 reasons why certified call center pip ka

1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay “boarder” at sinisingil ka na nila sa upa mo.
2. pag sasagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel…example:*toot* …. thank you for calling (the company) this is (your name) how may i help you?
3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15mins break nyo, itinutulog mo na lang para fresh pagkacalls uli, mya na yung 1 hour nap.
4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao,at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.
5. marami ka nang naiipong jacket… nakakahiya naman kung pare-pareho jacket mo araw-araw at super ginaw naman pag wala.
6. sanay kang maglakad-lakad ng nakamedyas.
7. ang tawag mo sa mga friends mo…dude, bro, coach,tl, sup.
8. di na dugo ang dumadaloy sayo… kape!
9. finefake mo na wag maging “slang” pag nagbabayad ka sa tindahan o kaya sa jeep para wag akalain na pasosyal ka… masama pa, mas panget pakinggan.
10. tadaaaaa! nagsasalita ka sa pagtulog mo, pati calls mo napapanaginipan mo.
11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.
12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.
13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.
14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang… *sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh**
15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic.
16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.
17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.
18. maski sa bahay, mabilis kang kumain.
19. hindi ka na kilala ng aso nyo
20. ayaw mo na mag-jeep. kailangan taxi or kaya aircon na bus.
21. wala ka nang alam na balita.
22. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na’t alam mong successful lahat ng ka-batch mo.
23. sasabihin mo field ng trabaho mo IT, di call center.
24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..
25. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..
26. pag payday… olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun..:P
27. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng noon time show!
28. hindi mo na kilala ang mga bagong artista.
29. hindi mo na alam itsura ng mall…
30. di ka na maebs sa bahay, sanay ka na sa cr ng 6th floor or ibang floor.
31. madalas kulang gamit mo sa bahay dahil nasa locker
32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!
33. alam mo kung sino si Avaya
34. sanay ka nang pumasok ng bagong gising… kakabangon lang galing sleeping lounge.
35. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT+ DEL iba ang lalabas.
36. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay.
37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig!)
38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila
39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!
40. mabilis ka ng mag pabili ng corn bits at chicharon sa ermats mo…
41. nakapanood ka na ng rally sa Ayala
42. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe
43. nakita mo na lahat ng klase ng vendo machine
44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!
45. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na
46. sanay ka na makarinig ng napakalakas na pag singa ng sipon.
47. marami ka ng naipon na microwavable container
48. marami kang ketchup packs galing mcdo at jollibee
49. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng ticket..
50. hindi ka na sanay umakyat ng hagdan
51. pag gumagamit ka ng cr,, di ka na nagpa-flush.. kc akala mo kusa na lulubog ebs mo.
52. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..
53. during office hours, hindi ka lalabas ng building ng walang dalang relo. baka ma-over break.
54. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo.
55. marunong ka na makipagsagutan at makipagbarahan ng english
56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwatro ng umaga
57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas.
58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay clear cache at cookies.
59. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..
60. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay
61. kala mo libre ang kape sa select…
62. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.
63. pag nag cr ka…sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl…
64. nakaipon ka na ng mouse ball sa bahay
65. nagulat ka ng masabi mo ang opening spiel mo habang nagbabayad sa jeep
66. naka id ka pa kahit nasa jeep
67. kaya mong tiisin na hindi palitan ang damit mo ng 16 hours
68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang sinusupport mo… sabihin mo msn.com (hahahaha!) kasi pag sinabi mong passport, hindi nila alam yun.
69. mas sanay ka na mag Ctrl+C & Ctrl+V at nahihiya ka na ngayon mo lang nalaman yun.
70. madalas mo harangin ang mga calls
71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi mo nandun pa rin.
72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!
73. gusto mo nang lumipat sa makati
74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, nagsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!
75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. *yan ung kausap ko kanina!!!**
76. pag tinatamad ka tumanggap ng tawag, matapang ka na at alam mo na ang gagawin:
77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo
78. sanay ka nang makipag-usap sa telepono sa bahay kahit malakas ang TV. sa office parang limang TV ang nakatapat sayo habang may kausap.
79. pumasok ka na ng puyat, lasing at gutom
80. may picture ka ng nakasuot ng headset
81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata. hindi pwede pahuli.
82. lahat ng style ng pagtulog maiisip mo.
83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala
84. mas gusto mo na mag warm transfer sa ibang department para makatulog ka habang naka-mute at nakikinig sa usapan nila
85. yung ex mo may kasama ng iba
86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.
87. d2 ka na sa opisina nakakabili lahat ng gamit mo: kwintas, sabon, shampoo, tocino, longganisa, hikaw, magazine, aso, libro, tshirt, prepaid card, eload, dvd, vcd, yema, corn bits…
88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave
89. palaging matabang ang kape sa office
90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ng memo
91. gusto mo na din bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo.
92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa
93. dami mo na naiipon na stirrer (red) galing starbucks kakabili ng kape.
94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.
95. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pagkain sa pantry.
96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon…
97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel’s pancit canton, wendy’s. north park, starbucks
98. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa.
99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!!!
100. may bago kang damit kada sweldo dahil takot ka makarinig nanaman na paulit-ulit ang suot mo.
101. Lahat ng kaibigan mo kinakahiya at minamaliit nila ang ginagawa mo… Pero pag dating sa araw ng sweldo nagpapalibre sayo.
102. Lahat ng nanglalait sayo na sa call center ka nag tratrabaho, ngayon nakikita mo sa lobby na nag-aapply.
103. Eto na ang tinuturing mong Buhay!


Originally posted by another Outsider.

1 comment:

JerzOliveria said...

Be part of an elite team of professionals whose work is always geared towards excellence.

We're looking for 500 Call Center Agents for our Outbound Sales and Australian (Day-Shift) Accounts.

REQUIREMENTS:
- Candidate must possess at least a Bachelor’s/College Degree or must have completed at least 2 years in college.
- Required skill(s): fluent in English and customer-oriented.
- Applicant with call center experience is preferred but not required.
- Applicants must be willing to work in shifting schedule.
- Fresh graduates/Entry level applicants are encouraged to apply.
- Full-Time positions available.
- Applicants should be Filipino citizens or hold relevant residence status.

This is an URGENT Requirement!

Interested applicants may send their resumes to info@oneworldlc.com or may go straight to the OWL Headquarters located at 21st floor Cybergate Tower 3 Robinsons Pioneer Street Mandaluyong City from

Office Hours: Mondays-Fridays 10am-4pm only
Contact Person: Jerz Oliveria
Mobile #: +63 917 595 2489

Please visit our website: www.oneworldlc.com | www.oneworldlearning.ning.com

Hope to see you!

Post a Comment