Sunday, October 4, 2009

aNO Un?

Medyo nagkakaayos na din kami ng syota ko. Palagi na kaming nagtext at nagkakamustahan. Napadalas na din muli ang aming pagkikita.

Umalis siya ngayon para makipagkita sa kaniyang mga kaibigan--birthday daw kasi ng kanyang bestfriend. Pumayag naman ako bagama't may bagyo. Ang sabi ko, hindi ko na nais maulit sa amin yung mga bagay na nangyari sa amin dati.Tutal naman nagsisimula ulit kami ng panibago, nais ko sanang ibahin ang nakaraan sa pamamagitan ng paggamit ko sa mga natutunan ko mula dito.

Pero bakit tila yata naglilihim ka pa sa akin? Bakit hindi mo pa ako maderetso nang kung nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo? Hindi ba't mas makabubuti sa ating pagtitiwalaan kung magsasabi ka ng totoo sa akin pati na din sa sarili mo?

Tinatanong ko lang kung nasan ka. Hindi ko sinabing pipigilan kita. Ang sa akin lang, nais kong maging parte ng buhay mo sa pamamagitan ng pagbabahagi sa akin ng parte nito. Nasan ka? Kailan ka naman nagpapigil sa akin?

At bakit tila nananadya ka pa? Hindi ka man lang tumawag kung anong oras ka uuwi? Nag-buzz ka saken alas-dos na, galit ka pa. Ipinaalam ko sayo kung nasaan ako, hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko. Nasan ka?  Kailan ka naman nagpapigil sa akin?

Kailan ka naman nagpapigil sa akin? Hindi ba't sinabi ko na nais kong maging eksklusibo lang ang Facebook mo? Tinatanong ko lang naman, hindi na kita nais pigilan. Sino si Pedro? Sino si Juan? aNO Un? aNO Un? bakit nandoon siya? Hindi ba ganyan din ang tono ng tanong mo sa akin?

No comments:

Post a Comment